It’s not the heat, it’s the injustice

Sadness_1
Kung hindi daw ilalabas si JayJay Burgos within one week, the chances of him still being alive would slip below 50%.
How do you react to this? Ang naiisip ko ay ang nanay niya, mas higit pa sa kanyang asawa. Nilalagyan ng taning ang buhay ng isa sa iyong mahal na buhay — hindi dahil sa may sakit, o dahil naaksidente, kundi dahil nahulog sa kamay ng mga walang-kaluluwang tao.
Tuwing tinatanong ako ng ‘kamusta ka?’ ng sinumang kaibigan o kasama, hindi ko na alam kung ano ang isasagot. Ambigat-bigat ng buhay sa bayang ito. Walang nililihim o tinatago na krimen, pero sobrang ilap pa rin ng katarungan at namamasyal pa rin sa mga lansangan ang mga berdugo’t kriminal.
It is this which suffocates — the knowledge that even in the absence of mysteries, justice remains elusive.
Tapos tatanungin ka, bakit nga ba umuwi ka pa e okay ka na sa ibang bansa?
Minsan tinatanong ko din ang sarili ko. Lalo na pag nagbabasa ako ng mga dyaryo at nakikita ang galong-galon ng tintang ginamit upang ilarawan ang pighati at dusa sa isang lipunang waring tinalikuran na ng pag-asa.
When they start killing children and young men and women, it is the future they are killing.

The criminals walk free, committing more crimes with impunity. Those who fight against injustice live in fear, or are forced into hiding because their liberty is endangered.

Sasampahan ka ng kaso, o pauulanan ng bala. Dadakpin at pahihirapan hanggang wala nang liwanag na makita ang iyong mga mata dahil napinid na sa suntok at bugbog. Kamatayang sakay ng motorsiklo, tinatago ang halimaw na mukha ng mga salaring nasa baril lang ang tapang. Hindi labanan ng prinsipyo, kundi kung gaano karami ang mga bayarang mamamatay-tao.

Leave a Reply