These are two of the original studies of the historic Bayan Muna logo. Manong Boyer Rivera -artist and tibak extraordinaire - made for the party in 2000.
I’m trying to piece together a story of his life and history as an artist and how the errors in the mass movement affected his life, his art, and how he views the continuing struggle.
There are those who have become — understandably– bitter and angry against the Movement after the 1991; but there are those who, even if they distanced themselves somewhat from the mainstream, never harbored animosity against the Kilusan. They continue to nurture the values the Movement instilled in them, and to be grateful for everything they were taught. Waging revolution is always bittersweet, but we forge on despite.
More later. It’s a good morning today!
———-
3PM. So maybe it’s not such a good day. I wrote too soon. The bad reports and stories are still coming in, so it’s not really an okay day. Oh well.
But every day I think of how my having an activist orientation helps me deal with even personal difficulties (yeah, yeah, I sound like a kulto-member na nagpapatutuoo, but heck…). I am able to situate myself and my problems in a more objective light (even if for the first few hours I’m a ranting/weeping/raging maniac) and think, heck, in the general scheme of things, I don’t really have a problem and I shouldn’t let myself be eaten up by petty concerns.
Someone very, very close to me is always telling me this as well, and it’s really only now that I’m away from the Philippines that I really understand what he means.
Funny.
Work isn’t work. Writing for this paper is not work but advocacy; my way of giving back what I’ve been given; a way of practicing what I’ve been taught. By the Kilusan.
During the last few years when there would be fora and symposia commemorating the Filipino people’s struggle against Marcos and martial law, the FQSers would tell us, the younger generation of activists, how we have to work hard to make sure that the dark days never return.
But they have returned. And the situation is even worse because the abductions and the killings are taking place in broad daylight; the perpetrators acknowledging their brutal deeds and the government openly awards the killers and masterminds.
How does one deal with this kind of knowledge and not be filled with such outrage? Behind the grief and the anguish is always anger. And it sometimes clouds over every other possible happy moment.
Thus, how to deal with living a life in the Struggle.
Magkakaugnay at magkakadugtong ang buhay ng mga aktibista at ng kani-kanilang mga pamilya. Parang malaking lambat na hinagis sa karagatan kung sakupin ng galit at lungkot ang mga utak at damdamin ng mga aktibista ng mga balita ng pagdakip at pagpatay sa iba pang aktibista, sibilyan, masa.
Sa mga panahong nakaupo ka at nagtatangkang magpahinga, babalikan ka ng alaala ng kung paano mo nakasama ang isang pinatay na na Kasama; naka-usap, naka-biruan, naka-trabaho sa gawain. Maiisip mo rin ang kanyang iniwang pamilya; ang paraan niya ng pangangarap para sa bayan dahil pareho din kayo ng mga ninais at minithi. Iisa din ang liwanag na nagbibingay tanglaw sa bawat araw ng paggampan sa gawain at tungkulin.
Nagkakagulo sa Pilipinas. Oo nga’t matagal nang magulo, pero mas higit ngayon dahil naiipit na sa pader ang mga nagsasamantala kaya’t mas desperado na sila. Sa kanilang desperasyon, naghahanap sila ng paraang makapuslit at magpalakas muli; at ang tanging paraan lang ay kung mapapatahimik, maaalis at mapapatay ang mga humahadlang.
Mag-isip, mag-isip, mag-isip kung ano na ang gagawin!
————-
Last night I interviewed a Filipino architect here in Hong Kong (he lives in Northpoint; but in the Philippines he grew up in Rizal, Laguna and he comes from a family of farmers), and he’s a serious martial arts enthusiast.
Correction, a serious Filipino martial arts enthusiast.
It gets his goat that Pinoys are forever taken with karate or taekwondo or judo (I prefer ninjin-tsu and shinobi because I’ve always wanted to be a ninja), but they hardly know anything about eskrima, kali or arnis which are indigenous Filipino martial arts. These are what the early Pinoys used to defend themselves against the colonialists way back in the 1500s. Or something.
Anyways, he was really, quite visibly upset, angered at Filipinos’ ‘colonial mentality’ and ‘love for anything that’s imported.’
He said that many Filipinos– especially among the middle class and upward and those who want to study martial arts — that arnis is ‘baduy’ and too ‘masa’ or pedestrian.
"Ano’ng ibig sabihin nyan para sa mga Pilipino bilang isang mamamayan? A lot," he fumed.
It was a little funny to me because I sought to interview him for the sports special the paper is coming up with (something non-political daw), then my subjects turns the conversation into the educational system and how backward it is; cultural biases; the inefficiency and corruption in government which makes it impossible to create a truly self-reliant and nationalist economy, system of education and politics.
Harharharhar! I didn’t even ask anything political. My subject was on a roll.
Maybe I should learn kali or eskrima. They teach it here for free. I had arnis and karate for PE in UP, and I had a great time. Now I’ve a funny fat little tummy and I really want to get rid of it! (vanity, vanity).
——————–
This is my next Kultura article :
HALOS dalawang taon nang tumutugtog sa Cavern sa Lan Kwai Fong ang bandang The Bones. Pulos Pilipino ang mga miyembro ng bandang ito – sina Karen Domingo, Arnel Pineda mga vocalist; Monet Cajipe, rhythm guitar; Pierre Donovan Luib, bassist; Darren Mercado, drummer; at Elmer Palermo, keyboardist.
Sa buong panahong ito, nakilala ang banda para sa mahusay na pagtugtog at ‘concert-standard’ na pagkanta ng dalawa nitong bokalista. Hindi man napupuno ng mga Pinoy at Pinay ang Cavern tuwing weekdays kung kailan subsob sa trabaho ang mga OFW at hindi halos lumalabas ng flat ng kani-kanilang employer, madalas namang walang maupuan tuwing set ng banda dahil maraming mga ‘gweilo’ at iba pang mga turista at Chinese na residente.
Matagal-tagal na rin sina Arnel at Karen sa pagiging singers. Sa batang-gulang na 14, professional na si Karen at nanalo na sa mga national competitions sa Pilipinas gaya ng dating palabas sa RPN 9 na ‘Ang Bagong Kampeon.’ Tumugtog na rin siya sa iba’t-ibang hotel sa ibang bansa.
Si Arnel naman ay nagsimulang maging vocalist ng banda sa edad na 15. Tumugtog na ang kanyang banda na ‘Amo’ sa Shakey’s na kilalang hang-out ng mga mahilig sa live-band music, at nanalo na rin sa mga band competitions.
Nagkasama sila at ng buong banda sa The Cavern Setyembre 2004, at maganda ang kanilang naging chemistry bilang isang grupo. Asawa ni Karen ang drummer na si Darren. Gaya din ng ibang mga OFW, nasa Pilipinas ang kani-kanilang mga pamilya at sa kanila nakalaan ang kalakhan ng kanilang sinusweldo.
Ayon kay Arnel, mahirap ang trabaho pero masayang mag-perform. ‘Nagre-react kami sa audience, pinaanood namin sila at nage-gauge namin kung anong mood nila. Pag mukhang pagod lahat, relaxing music ang kakantahin namin. Pag mukhang malulungkot, medyo upbeat ang aming pipiliin,” aniya.
Ang responsiveness na ito sa audience ang makikitang isang dahilan ng tagumpay ng banda. Habang nagpeperform, mapapansin ang rapport nila sa mga nanunood at nakikinig. Kakaway si Arnel, ngingiti sa Karen sa ilang nasa audience. Parang dun lang mismo sa stage nila pinipili kung ano ang susunod na kanilang tutugtugin.
“Depende nga kasi sa mood ng audience. Minsan,sige, kahit nababaduyan kami sa kanta, pero nakita naming bagay sa age-bracket ng mga nasa audience, kinakanta namin,” kwento ni Karen. Kaya nga naman minsan ay kinakanta nila ang walang kamatayang ‘My heart will go on” ni Celine Dion na theme song ng ‘Titanic.’
Pag dumating ka ng alas-9, maririnig mo ang mga kanta ng dekada 70, 80, at kalagitnaan ng 1990s. Karaniwang mga pop ballads o kung tawagin ay ‘slow rock’ o ‘mellow music’ mula sa mga kanta ng The Carpenters, ni Anita Baker, Christopher Cross, Sade at Billy Joel. Minsan hahalo sa kanilang repertoire ang mga hits ng Soul Asylum, U2, The Police, at mga bagong kanta nina Alicia Keys, Norah Jones, Robbie Williams at Red Hot Chili Peppers.
Walang mapapansing pattern sa seleksyon ng mga kanta dahil salitan ang mood na sinasalimin ng mga awit. Ang malinaw lang, nag-eenjoy ang audience kahit nakaupo lang sa kanilang mga orange na de-kutsong bar stool o banquet seat at nag-aalaga ng bote ng $55 na beer.
Pagpatak ng alas-11, rock-and-roll at disco naman. At dito talaga lumalabas ang energy ng audience na karaniwang binubuo na ng mga employees na gustong mag-unwind, mga bored na residente, at mga kabataang nilalabanan ang antok dahil gusto talagang mag-party.
Nakikita nina Arnel na mapalad sila kumpara sa maraming musikero na nasa Pilipinas. Bagamat tutoong hindi rin naman daw kalakihan ang sweldo nila dito sa Hong Kong, ‘di hamak namang mas malaki pa rin ito sa nakukuha ng kanilang mga kapanalig sa iniwang bayan.
“Sampu sampera ang magagaling na musicians sa atin, kaya masakit na hindi lahat nakakakuha ng magandang break,” ani Arnel. Naghihimutok din sila sa anila’y ‘diskriminasyon’ na dinadanas ng mga HK-based musicians. ‘Mas mataas ang bayad sa mga Puti. Siyempre kahit paano masusukat ang respetong binibigay sa iyo in terms of kung magkano ang binibigay sa iyo.”
Ayon sa isang survey, kumikita ang mga musician sa Maynila ng mula US$5 (HK$39) hanggang US$10 kada araw (o P250), habang ang mga overseas music jobs ay maaring pagkakitaan ng mula US$600 hanggang US$1,500 kada buwan (o P31,800- P78,000). Sa isang bansa kung saan 43 percent ng populasyon ang nabubuhay sa US$2 kada araw (ayon sa World Bank), ang kumita ng HK$10,000 kada buwan bilang musikero sa Hong Kong ay isang malaking tulong sa pamilya.
Gayunpaman, mas mababa pa rin, gaya ng sabi ni Arnel, ang kita ng mga Pinoy na musicians. Ayon na rin sa isang anonymous na performer, depende sa lahi ang swelduhan sa mga musikero sa Hong Kong. May mga Amerikanong musikero ang kumikita ng HK$30,000 hanggang HK$40,000 kada buwan; habang ang mga lokal na talent ay nakakakuha ng HK$15,000.
“Talagang nakaka-dismaya din. Passionate ang mga Pinoy kung mag-perform kahit pa covers lang ang kinakanta, ubos-lakas talaga Unfair na kulang ang binibigay sa atin na recognition at respect,” ani Arnel.
Samantala, katulad pa rin ng ibang mga OFW, may opinyon din sina Karen sa mga kaganapan sa Pilipinas. Migranteng manggagawa din sila tulad ng mga kababayang domestic helper, at apektado ng mga nangyayari sa Pilipinas dahil nandun ang mga mahal sa buhay.
“Sana magkaisa na lang ang mga Pilipino,” anila. “Parang walang kauuwian ang pinaghihirapan ng mga OFW dahil sa corruption sa Pilipinas. Si Arroyo naman,dapat bumababa na. Lalong gumugulo ang sitwasyon, bumabagsak ang ekonomya.”
Isang bagay na gustong makita nina Arnel ang magkaisa ang mga musikerong Pilipino sa Hong Kong. “Maganda sana kung magagawa ng mga musicians na magtulungan, para mapataas natin ang pagkilala sa galing ng mga Pinoy dito. Huwag na sana magkaroon ng inggitan o alitan,” aniya. "Magtulungan dapat ang mga Pilipino na nasa ibang bansa."
Parang mga bampira ang mga Pinoy na musikero, lalo na ang mga nagtatrabaho sa mga bars. Sa paglubog ng araw, saka lang sila lalabas, at gigisingin ang gabi gamit ang kanilang mga boses at instrumento. Mga artista at migranteng manggagawa, tumutulong sila na ipakita sa mundo ang kakayanan at talento ng mga Pilipino.#