People can be killed, but not their ideals
I am Ronald Gian Carlo Lapitan Cardema of Calamba City Laguna. I am a Cadet in the Philippine Military Academy in Baguio City. I can continue writing this letter by means of harnessing the English Language fluently and proficiently. But I would rather start using our own language now because it is the only language in the world that all of us Filipinos own and we should be proud of it.
Ako po ay di katulad ng karamihan ng kadete dito sa PMA na walang pakialam o pilit na sinasarado ang pananaw sa katotohanan. Ang aking kamalayan sa di pantay na sistema dito sa ating bayan ay bukas at lumalawig pa. Ako po ay nakikiisa sa inyong mga mithiin para sa isang maunlad na Lipunang Pilipino at Tunay na Demokrasya. Ang aking kaalaman sa tunay na Patriotismong Pilipino ay utang ko po sa aking dating paaralang pangkolehiyo, ang Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos, at sa mga pangangaral ng aking tiyuhing si Ka Noel “Noli” Capulong Sr.
Ang akin pong tiyuhin, na deputy regional coordinator ng BAYAN sa ST, ay walang pakundangang pinagbabaril ng mga aso ni GMA sa militar/police. Kahit po walang ebidensya na military/police ang pumatay ay alam ko po at alam po ng aking pinsan na si Noel Capulong Jr (na bestfriend ko rin po at kaklase mula pa high school hanggang college sa UPLB) na ang nagtiktik (surveillance) sa aking/kanyang amain/ama ay dalawang ISAFP/MIG agents mula sa Camp Eldridge sa Los Banos, Laguna. Sila sina 2LT Aga Macasaet (Res) PA at si Sgt. Tony Flores PA na aking napag alaman mismo ay miyembro ng Military Intelligence Group (MIG) ng ISAFP para dito sa 2nd District ng Laguna. Ang “Pilipinong traydor” na si Lt. Aga Macasaet ay kaibigan namin ni Noel mula pa high school dahil sya ay aming CAT Commandant. Siya ay minsan nakakapagtakang nagtanong sa amin ni Noel patungkol kay Tito Noli at kay Kapitan Delfin De Claro ng Brgy Bucal, Calamba Laguna. Sila na parehong Bayan Muna members kung saan si Tito Noli ay patay na ngaun at si Kapitan de Claro ay may tangka na sa buhay ngaun. Si Sgt Tony Flores naman ay ang nagpunta sa bahay at nakausap ni Tito Noli at Noel isang buwan bago siya patayin. Siya ay kunwarib nagi-inquire sa bahay patungkol sa PMA application ni Noel na dalawang taon nang tapos/lipas. Nakapagtataka. Pag uwi ko sa bahay nung gabing iyon, ako ay masinsin na kinausap ni Tito Noli na siya ay kinakabahan sa mga ganung militar na nagi-inquire sa bahay. Tila totoo na pala noon ang premonition ng aking tiyuhin.
—