A boatload of drugs please
Sometimes I think I am much too fragile to live.
Or maybe I just need a boatload of drugs.
I think it’s my parents’ fault for having sheltered me so much when we (my sister and I) were growing up and making us believe that people were, for the most part, good.
I can totally relate to Haley Joel Osment’s character in ‘The Sixth Sense;’ only I don’t see dead people, I see bad people.
Someone very, very close to me (I won’t say whom, because he hates it when I mention him in my blog) always tell me ‘Masasanay ka din. Ganyan talaga ang lipunan. Kaya nga natin pinipilit baguhin.’
I don’t know, I don’t think I will ever get used to the way things are in the Philippines, in the world, the way the darkness always almost overpowers all light and so many people are denied most things that are necessary to ensure a complete, productive and happy human being.
All those religion classes in elementary school, aaargh.
Growing up in a household of idealists can make a child believe in social fairytales.
Stephen King visited Hong Kong and delivered a lecture at the HK university two weeks ago. The gist of his message was this: in order for humanity to survive, we must conquer space.
That was a pretty chilling message. It’s like he was saying that the world is so fucked up — the environment destroyed, wars erupting everywhere, diseases that are the products of scientific experiments gone wrong (or more realistically, experiments that were geared towards creating biological weapons) — there is no saving this planet so let’s all hie off to other planets.
Gad.
Please don’t mind me today. I’m not in a very cheery sort of mind right now. So tired these last few days and reading the news isn’t doing anything to improve my mood. The second impeachment complaint against Arroyo has been filed, but already there are reports that the Minority Bloc in congress is falling apart at the seams, unity is cracking. This is frustrating.
In the meantime, I was really bummed out by those stories about Arroyo meeting Pope Benedict. I actually felt like throwing up. Why didn’t she turn into a pillar of ashes as soon as she got withing 1,000 meters of the Vatican?!
Anyways. Am looking forward to watching a cartoon movie tomorrow and on Sunday, tuduh! - the First Filipino Women Migrant Workers Summit.It will be from 1:00 - 6:00 pm at the Hong Kong University
According to the advisory sent by the United Filipinos in Hong Kong UNIFIL) which is sponsoring the activity, the Summit is expected to gather more than 400 women leaders from 80 organizations of Filipino domestic workers in Hong Kong.
The Summit will discuss the major issues of Filipino women domestic workers most especially the policies of the Philippine and Hong Kong governments that impact on migrant workers and our families. Topics of workshops include the Philippine national situation and the condition of our families, recruitment and overcharging of recruitment agencies, Philippine government’s fees to migrant workers, provision of services and protection by the Philippine government, labor and immigration concerns of Filipino domestic workers, the debt trap, services of the Hong Kong government to migrant workers, and on police matters and procedures.
In particular, policies that will be tackled include the OWWA Omnibus Policies, Republic Act 8042 (Migrants Act of 1995), New Conditions of Stay (Two-Week Rule), Minimum Allowable Wage and the Labour Ordinance.
The Summit will come up with a list of demands for the Philippine and Hong Kong governments as well as a plan of action for campaign, lobbying, advocacy and education.
The following is a profile I wrote on the president of UNIFIL, Dollores Balladares.
Estudyante pa lang siya sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), malinaw na kay Dolores ‘Dolo’ Balladares kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay. “Ayaw kong maging biktima sa lipunan. Gusto ko, alam ko kung ano ang nangyayari sa paligid ko at kung ano ang epekto sa akin.”
Maliit na babae si Dolo, 36-taong gulang. Malambing ngunit may tapang siya kung magsalita. Kung papakinggan siya, madali kang makukumbinse dahil sa sinseridad ng kanyang mga sinasabi. At kung kapwa-OFW ka, marami kang matututunan mula sa kanyang karanasan at pagkilos.
Presidente ng United Filipinos in Hong Kong (UNIFIL), ang pinaka-progresibo at malawak na alyansa ng mga organisasyong migranteng Pilipino sa Hong Kong, nagtapos si Dolo ng business administration, major in management.
“Kagaya na rin ng maraming Pinoy na nag-OFW, tulak ng pangangailangan ang pagpunta ko sa ibang bansa. Pag-gradweyt ko, pinilit kong makahanap ng trabaho sa Pilipinas pero maliit ang sweldo at hindi sapat na makabuhay ng pamilya,” aniya. Nasa Pilipinas ang asawa ni Dolo, isang dating OFW sa Saudi na nagtatrabaho sa construction.
Dumating si Dolo sa Hong Kong noong 1995, at parang malaking maleta niyang bitbit ang kanyang oryentasyon ng paglilingkod; oryentasyong natutunan niya mula sa kanyang mga sinalihang student organizations sa PUP gaya ng Students for National Democracy (SND) at Lakas ng Kabataan ng Bayan ng Cagayan Valley.
Naging member agad si Dolo sa Pinatud Asaleng Tiumuli (PSU)at tumulong sa Asia Pacific Migrants Mission (APMM). Taong 1996 siya nahalal sa Unifil bilang deputy-secretary general, at nang lumaon, naging tagapagsalita na rin siya ng Migrante Sectoral Party. Pagsapit naman ng 9th Congress ng Unifil noong Enero 2004 siya nahalal bilang presidente nito.
Mahaba-haba na rin ang panahong nilagi niya Hong Kong bilang domestic helper, pero sa buong panahon na iyon, nagawa niyang ipagpatuloy ang kanyang pagiging socially-aware at progresibo.
“Nung unang kontrata ko, mahirap talaga. Friday kasi nun ang holiday ko. Nang mag-expire ang kontrata at pumirma ako ng bago sa iba namang employer, winork-out ko na Linggo ang holiday ko, at mabigyan ng panahon para makalahok ako sa mga aktibidad ng organization ko,” paliwanag ni Dolo.
Pinagsikapan din niyang ‘imulat’ ang kanyang employer hanggang maging sympathetic ito at ang kanyang pamilya sa mga ginagawa ni Dolo.
“Nakatulong din na nakikita niya ako kasama ang Unifil na lumalabas sa tv, nababasa sa dyaryo. Lalo na nung panahon ng mga protesta laban sa World Trade Organization (WTO) noong December 2005, at sa mga activities kaugnay sa wage hike, pagbasura sa levy at iba pang migrants issues na talagang tinuunan ng local media,” kwento pa niya.
Minsan pa daw, pina-paalalahanan siya ng kanyang employer na mag-ingat. “Up-to-date din sila sa mga kampanya ng Unifil at sa mga activities namin.”
Pangunahin sa mga gawain ni Dolo sa Unifil ang manghikayat sa mga OFW na pag-aralan ang mga developments sa Pilipinas at mga local issues na may epekto sa migrante.
“Sinisikap naming bigyan ng venue ang mga OFW para matuto tungkol sa kalagayan nila. Kauna-unawa naman na maraming OFW ang ayaw maki-alam sa mga isyung ‘seryoso’; hindi madali ang makulong sa bahay ng anim na araw, walang ibang kausap na Pilipino, at maraming mga bawal na ikilos o gawin. Siyempre, pag nakalabas ng bahay pag holiday, gustong magsayaw, maki-tsismis at makibalita. Ang layunin ng Unifil, maging isang organisasyon kung saan makakakita sila ng tuwa at saya, pero matututo din kung paano tindigan ang kanilang kagalingan at mga karapatan,” paliwanag niya.
Hilig ni Dolo ang pagkanta at ito din ang hilig ng maraming OFW, kaya naman regular ding nagpapa-videoke ang Unifil sa Chater Road pag Linggo o tuwing may major activity.
“Pagbabalanse ito ng kung ano’ng gusto ng mga migrante, at ng anong kailangan nila. Marami sa mga kababayan natin ang sabik sa balita ng kung ano’ng talagang nangyayari sa Pilipinas,” paliwanag niya.
Ayon kay Dolo, mga migrante ang unang nagre-react sa mga pagbabago sa ekonomya ng Pilipinas. “Hindi ba’t tuwing may oil price hike, o kapag tumaas ang singil sa kuryente, o sa pabahay, tubig, edukasyon o kalusugan, apektado ang mga OFW? Nagpapadala tayo ng remittance buwan-buwan, pero pagdating sa Pilipinas, kakarampot ang halaga dahil nga bumabagsak ang ekonomya. Mahalagang alam din ng mga OFW kung bakit nga lumalala ang economy,” aniya.
Kaugnay naman sa relasyon ng Unifil sa Philippine Consulate, sinasabi ni Dolo na nais naman talagang makipag-tulungan ng grupo sa mga opsiyales – “Para sa kagalingan ng OFW, bakit hindi? Pero walang pagko-compromise pagdating sa stands at demands sa mga isyu.”
Isa sa mga ipinaglaban at pinagtagumpayan ng Unifil kasama ng iba pang Pinoy migrant groups ang isyu ng pagbubukas ng consulate pag Linggo.
“Taong 2000 o 2001 lang nang magsimulang maging open ang konsulado tuwing Linggo. Iginiit talaga ng mga OFW na bukas ang konsulado sa araw na holiday ang mga migrante,” pagbabalik-tanaw niya. “Sa ngayon naman, hinaharap din namin ang mga changes sa operasyon sa Konsulado. Halimbawa, madaming OFW ang nagrereklamo ngayon tungkol sa queue-less document processing. Sana mapag-usapan ito nang maayos ng mga groups at ng officials ng ating consulate,” aniya.
Ibang isyu pang aktibong kinakampanya ng Unifil ang pagbabalik sa P3,3670 na sahod ng mga OFW, ang pagbasura sa levy, at ngayon naman, ang pagpapahusay sa serbisyo ng konsulado. Tinayo ng Unifil ang Bantay Konsulado na sinusuportahan na ng 30 na iba pang grupo.
“Hindi rin namin kinakaligtaan ang mga nangyayari sa Pilipinas. Sa ngayon, nagsasalita ang Unifil laban sa lumalalang political repression ng gobyerno ni Mrs. Arroyo. Aktibo rin kami sa paglalantad sa corruption at pagpapabaya sa serbisyo-sosyal; at pagliit ng budget allocations para sa welfare ng mga OFW sa iba’t-ibang bansa.”
Sa July 2, isasagawa ng Unifil ang kauna-unahang Filipino Migrant Workers Summit sa Hong Kong University Library Building sa Bonham Road, Hong Kong Island. Bubuuin sa makasaysayang pagtitipon na ito ang isang Migrants Agenda na ipapadala sa gobyernong Arroyo at sa gobyerno na rin ng Hong Kong.
”Mahirap maging OFW, pero mas mahirap maging OFW na hindi alam kung ano ang iyong mga karapatan. Mas maraming OFW na nagsasalita sa mga isyu, mas mainam. Ipaabot natin ang ating tinig hanggang sa Pilipinas, at sama-samang buuin ang isang bayan na hindi na kailangang iwan upang magpa-alipin sa ibang bansa,” pagwawakas niya.