Hay Naku, Ka Bel!

0425_ka_bel 0427_tere_and_ka_bel_4 I saw pictures of Ka Bel — some of the most recent ones since he was transferred to the Heart Center. It made my heart ache to see how wan and thin he’s gotten!

Ka Bel is a chronic insomniac. I’ve known him to stay up really late — awake until two or three in the morning, unable to sleep because his brain wouldn’t let up, thinking and worrying about political developments; about work; about how his grandchildren are doing; how other Kasamas are doing.

He reads deep into the night, and even when his head begins pounding and his eyes begin squinting from the stress, he doesn’t stop. He’s a voracious reader, and an emotional one. What his brain can easily take, sometimes his heart cannot. He actually feels too much sometimes: whether he’s reading about the war in Iraq, the economic meltdown in Argentina, or the political killings in the Philippines, he rages, and it is this anger and, sadly, feeling of hopelessness that makes it impossible for him to sleep.

Hay naku, Ka Bel — wala pa po akong nakikilala na kasing tapang at kasing-husay ninyo. Tagos hanggang buto ang inyong kabaitan at pagpapahalaga sa mga Kasama; ang inyong sipag at pagmamahal sa mga manggagawa, sa mga magsasasaka, sa Kilusang Mapagpalaya ng Sandaigdigan.

Mabuti na rin siguro at wala ako sa Pilipinas ngayong Mayo Uno, Dakilang Araw ng Uring Manggagawa. Hindi ko lubos maisip na wala si Ka Bel sa rally sa Liwasang Bonifacio, na hindi siya makakasama sa martsa ng masang Anakpawis. Parang hindi Mayo Uno ang Mayo Uno kung wala si Ka Bel. Parang apoy na bagamat mainit na nagbabaga, malamlam ang liwanag. Parang patalim na kahit kumikinang ang talas, may gaspang ang kayayanang makahiwa.

Hay naku Ka Bel. Sa mga litrato mo sa Arkibong Bayan, bakas na bakas ang lungkot sa iyong mga mata. Sa kurba ng iyong likod na parang nabawasan ang tikas. Sa pagkahapis ng iyong mukha na kilala at mahal ng mga manggagawa at anakpawis.

Hwag magpagapi sa lungkot! Hwag mangamba na sa iyong pagkakapiit, nababawasan ang kahalagahan ng iyong sakripisyo para sa gawain at sa Kilusan.

Malaki at malalim na iyong kontribusyon sa Kilusan, Ka Bel. Gaano karaming manggagawa na ba ang iyong minulat at tinulungang umunlad, hinikayat na magbalikwas, lumaban at magtanggol sa sarili, sa uri at sa bayan?

Heto nga po ako, buhay na patunay ng iyong epektibidad bilang isang lider manggagawa, lider ng masa. Pumasok po ako ng KMU noong 1995 dahil po narinig ko kayong magsalita sa isang rali — isa sa mga unang rali at Mayo Uno na dinaluhan ko. Napakalaking inspirasyon po ninyo sa akin bilang nakakabatang aktibista, bilang isang manunulat.

Sa inyo (at kay Ka Raffy) ko talaga ipinapasalamat ang pag-unlad ko… Paano po ba kayo pasasalamatan?

This Labor Day will only be the first or second Labor Day in 45 years that Crispin Beltran will not be marching alongside the poor and working people. Incarcerated by a government so utterly lacking in righteousness and credibility that if its cast a reflection, it would be tainted, as dark and black as any shadow at high noon.

Pero talo pa rin ang gobyerno. kahit ikulong ng administrasyong Arroyo  si Ka Bel, malaya naman ang kanyang diwa, at tangan ng bawat isang manggagawa at anakpawis na naninindigan para sa Tunay, Palaban, Makabayan at Anti-Imperyalistang Kilusang Unyon ang kanyang matagal nang ipinaglalaban at patuloy na ipinaglalaban.

Sa paunang init ng umaga at pag-alimpuyo ng araw ng katanghalian, hanggang sa paglubog ng araw sa Mayo Uno, kasama pa rin ng masang anakpawis si Ka Bel.

Ka Bel, sa bawat hakbang ng aming mga paa sa mga martsa at rali sa Mayo Uno sa PIlipinas at sa ibang bahagi ng mundo kung nasaan ang mapanlabang diwa ng uring manggagawa, kasabay ka naming naglalakad. Ang bawat isang sigaw namin para sa tunay na kalayan at demokrasya, tinig mo rin ang maririnig.

Ka Bel naman, hwag magpagapi sa lungkot! Alagaan ninyo ang inyong sarili, utang na loob.

Leave a Reply