Sulat ni Ka Bel
Sunday, March 12th, 2006
This is a letter Anakpawis Rep. Crispin Beltran wrote to me from Camp Crame.
Needless to say, I am all choked up. Ka Bel is my main ninong sa kasal, and he’s, jeez, I can’t even begin to explain his influence on my life, my work, my continuing efforts to be a good person. Siya at si Rafael Baylosis and dalawang kinikilala kong ama sa Kilusan. Kaibigan, mahal na Kasama, gabay at inspirasyon sa pagkilos.
Kung pwede ko lang murahin si Belinda Olivares-Cunanan dahil sa kanyang column nung isang araw, gagawin ko. What a witch. She says that the Arroyo government should free Ka Bel not so much on humanitarian grounds or because there really is no legal basis to detain him, but because by keeping Ka Bel behind bars, the Movement has a running story and a martyr in the making.
Gaga. Ikaw at ang mga kauri mo ang ganyan mag-isip. Wala kang alam tungkol sa nararamdaman naming mga nagmamahal kay Ka Bel; sa daan-daang libong mamamayan sa buong mundo na kumikilala sa kanyang kabutihan.
Cunanan’s cynicism is expected, however. Asawa ba naman ng militar ang loka. Halatang sipsip kay Lola Gloria.
(Am sounding like Christy Fermin or Boy Abunda here. Am being a bitch myself).
Some of my friends say there’s no point in explaining to the critics and detractors of the Kilusan. They say that the battle lines are drawn, the biases cast in cement and iron.
As for myself, I’m not really explaining to them so much as I’m telling them what a bunch of losers they are.
Kung ano man ang angas nila sa mga naunang henerasyon ng national democrats at sa Kilusan sa mga taong nagdaan, utang na loob, umunlad naman kayo sa kritisismo ninyo! It’s boring and exhausting the way they rehash the same old accusations.
The national democratic movement has thousands of new members. We are a new generation of activists well aware of the history of errors and mistakes committed by our elders, and we are always on the lookout against committing the same. This is our Movement, and we seek to make it stronger.
How many times have I heard Ka Bel tell me about the welgang bayans they used to hold in the 80s? The bus burnings, the 100% paralysis of public transportation and manufacturing operations because the protestors threatened to kill company owners if they stopped their workers from participating.
Nung panahon na iyon, naghalo na ang mga tama at mali. Minamadali ang pagbabago, kahit hilaw pa ang mga kundisyon. Mali na rin ang mg ginamit na kaparaanan, dahil may palya na rin sa panlipunang pagsusuri.
Now, two decades later, younger activists are charged with the task to continually observe, study, and analyze social conditions. We are taught to read, read, read. To be circumspect (without being conservative). To be daring (without being careless). To be sharp and clever (and funny and fun and creative!) and brilliant like roman candles shot into a clear but starless midnight sky.
More importantly, we are aware of how important, crucial it is to be continually in touch with the poor and working people. To live and work with them, to listen to their problems, to familiarize ourselves with their culture, to know how their hearts beat and how their minds think.
We are also aware that we have to be humble. Paano ka naman haharap sa masa kung singlaki ng lobo ang ulo mo, at kasing puno din ng hangin? How will you talk to them, have them trust you?
And in the process, hindi makakaila na maraming matutunan mula sa masa. Sa kanilang pang-araw-araw na karanasan ng pagpapagal sa mga pagawaan, palayan, opisina at komunidad. Sa kanilang pagsusuri sa lipunan - - pananaw sa mga kaganapan, opinyon sa kultura, mga pangarap at layunin nila sa buhay.
Kung gaano kaatrasado ang masa (o siya, siya, kasama na ang minsang pagiging corny or ka-bakya minsan ng kanilang taste sa mga pelikula, musika at pananamit ayon sa mga guardians ng kultura), may malaking pananagutan ang naghaharing sistema. The institutions in power– the schools, the Church, the system of government and the government itself and how it runs and ruins the country.
Mula dito, sa kaalaman ng lahat ng dito, dito natututo ang mga aktibista. Far from idealizing the masses and ignoring their weaknesses, the Movement seeks to learn from the working people’s experiences and determine means and ways on how to help them overcome.
Nasa masa din naman kasi ang solusyon sa kanilang mga sariling problema.
Ang papel lang ng Kilusan ay i-synthesize ang mga sagot na ito. Sino ba kasi ang nakakaalam kung paano patakbuhin ang mga pagawaan at nakakaalam sa mga detalye ng pagsasamantala ng kapitalista sa paggawa kundi mismong silang mga manggagawa?
Sino ang nakakaalam kung ano ang kailangan para umunlad ang kanayunan at paano pasisiglahin ang ekonomya sa mga probinsiya kundi sila na nagtatanim ng pagkain ngunit pinagkakaitan ng lupang sakahan?
Tapos, ang mga nagdadala ng mga ganitong paniniwala, pinapatay ng gobyerno at nga kakampi nito.
Paano, bangga sa swapang na interes nila ang palayain ang mga manggagawa at mga magsasaka.
Kaya heto, writers and columnists and pundits try to out-write and out-explain each other on what the ills of society are, and what the cure is. Kanya-kanya na ito!
Pero kanino nga ba kikiling ang mamamayan? Sa kanila na naglalako ng mga konsepto at ideya na pabor pa rin sa mga malalaking negosyante, kapitalista at panginoong may-lupa; o sa kanila na nagsasabing ang pagbabago ng lipunan ay dapat nakalaan sa kung ano ang magbibigay kaginhawaan sa mahirap at pinagsasamantalahan?
Simple lang ang usapan di ba?
Dito sa Hong Kong, araw-araw akong natuto mula sa mga OFW. Sa kanilang karanasan bilang mga katulong — tagalinis ng kubeta, taga-hugas ng pinggan at taga-alaga ng mga anak ng mga dayuhan habang sa Pilipinas, iba ang nag-aalaga sa kanilang mga sariling anak.
Mga registered nurse na laspag na kaka-kiskis sa mabaho at nilulumot na aquarium ng pagong; mga teacher na nagpapasyal sa mga spoiled na alagang labrador retriever ng amo (amo na sinususian ang refrigerator baka daw kasi mangupit ang katulong niya); mga gradweyt ng computer engineering na taga-bantay ng mga lola at lolong uugod-ugod, mga matatandang halos kalimutan na ng mga anak nila at bihirang magkapanahon para dumalaw at makipag-usap.
Anong klaseng bayan ba kanilang iniwan?
Bakit nga ba kinailangan nilang iwan ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay?
The explanations loom large, and they give lie to the assertions of the Macapagal-Arroyo government that the Philippines is on the way to economic recovery, and that democracy is alive and well in the country.
Demokrasya ng iilan.
Ekonomyang pinayayaman ang iilan, at ang karamiha’y pinahihirapan.
Hoy, Belinda Olivares-Cunanan, magtigil-tigil ka nga dyan. Yung mga tipo mo na walang silbi sa lipunan ang walang karapatang magsalita. Mag-cross-stitch ka na lang o makipa-sosyalan sa mga katulad mong elitista.
—–
Dave Eggers in his autobiographical novel masquerading as fiction "A Heartbreaking Work of Staggering Genius" says that to be human is (1) To be Good; and (2) To not save anything.
Give everything you’ve got.To the world a favor and be a good person.
In my book, those who live and work not for monetary gain, not for personal power, and certainly not for self-gratifying fame are the most human.
(The rest are bacteria. Haha. What an insult to bacteria.)





