Bayang pinagpala at sinumpa
Bayan kong sabay na pinagpala at sinumpa. Trahedya kaliwa’t-kanan na di dala ng kamalasan kundi ng isang gobyernong buktot at pabaya; at walang ginawa kundi magsinungaling, mangulimbat at pumatay ng mga nangangahas na tumutol at lumaban, kahit man lang magsalita .
Brgy. Guinsaugon, St. Bernard, Leyte. Sino nga ba silang doon ay nakatira, at doon ngayon ay nalibing na sa ilalim ng tone-toneladang bato, putik at lupa? Mga karaniwang mamamayan - mga pamilyang magsasaka na walang ninais kundi ariin ang lupang binubungkal; mga Pilipinong ang kapakanan ay di minsan sumagi sa kamalayan ng Malacanang.
Ngayon, sa pag-hugos ng bato, putik at lupa mula sa gilid ng bundok na matagal nang nakalbo ng mga kaingero, kilala na ang Brgy. Guinsaugon di lang sa Maynila kundi sa buong mundo.
Parang bumagsak ang langit at buong pwersang dumagan sa maliliit na bahay ng kahoy at semento sa paanan ng bumigay na bundok. Sa loob ng mga bahay, di magkamayaw ang mga bata at matanda sa tindi ng takot at gulat. May panahon pa kaya silang makapag-isip nang maipit na sila sa pagitan ng sahig at umulang lupa?
naloloka na yata ako. wala kasi akong makausap ngayon dito,e. ang lungkot-lungkot ko na.
——-
Pero sige, dahil blog ko naman ito, at lahat ng tututol ay pwede nang tumalon sa bangin, hala isiwalat ang bersyon ko ng katotohanan.
Mayabang ako.
Nagmumula sa aking pagiging miyembro ng pambansa demokratikong kilusan ang yabang ko.
Pero pinipili ko kung kanino ako magyayabang (at kung kanino ko nararamdamang superyor ako).
Pag masa ang kaharap (halimbawa ang mga OFW dito sa Hong Kong — ang bata-batalong Filipino domestic helpers na nandito), e tiklop ako. Pag nakikita ko sila, ang naalala ko palagi ay gawain; ang ubod ng paglilingkod at sinumpaang yayakapin at gagampanang tungkulin. Bilang manunulat, primarya ang ilarawan ang kanilang kalagayan at iguhit ang wastong pagsusuri tungkol dito.
Pero pag mga katulad kong peti-b (halimbawa yung mga UP grads na nandito, o yung mga nasa Konsulado na walang puso at simpatiya para sa mga kababayan nila dito), case-to-case basis - at madalas di ako nai-impress. Mas malimit pa nga mapikon at mabwisit ako pag naririnig kong magsalita tungkol sa mga pananaw nila sa kung anong nangyayari sa Pilipinas (sa ekonomya, sa pulitika, sa mga anila’y ‘magulong mga rally’).
(Parang ang dali maging consul. Sa tutoo lang. Parang pulos sosyalan lang at consultations. Di sila aktibong nagsasalita para depensahan ang mga DH dito pagdating sa isyu ng sahod at mga kasong kriminal na kinasasangkutan nila -kung saan mas madalas kaysa hindi sila ang biktima.)
Pinalaki ako ng Kilusan. Labing-apat na taon na akong bahagi nito. Ang pinakamaayos, matino, matalino at mabait na bahagi ng pagkatao ko, binuo ng Kilusan, kahati ng aking mga magulang. Sino ba naman ang hindi magiging mayabang?
February 20th, 2006 at 1:42 am
Hinay hinay lang dyan baka mapaaway tayo ng di oras. =)