The inevitable, final say
Call me naive, but it seems pretty clear and simple to me how the current situation in the Philippines should be read. The political factions currently in power (and theirequally recyclable equals among the second liners of wanna-be-powers-that-be) are showing undeniable signs of weakness.
The fractures within their system and organization are way beyond hiding, and they can no longer be fixed by a simple call to unity or the issuance of various fake-sincere platitudes.
The fact is, those who have remained in power for so long — keeping the rest of the Filipino people particularly the poor and the working masses under the yoke of poverty, ignorance and degradation– are losing their grip on the reins.
Even their armed and foot-soldiers have long begun to air their doubts and grievances against the Palace and are, little by little,building their strength to, perhaps, lash out against the inhabitants of the Palace.
The demarcation line between the oppressed and the oppresors has been drawn in wide but definite strokes. The Philippine government, the incumbent and its predecessors have done very little or nothing to make this nation and its people truly sovereign. They have established an economic and political system that strictly excluded the growth and development of the rest of the poor and working people, and only accomodated the self-serving goals and ambitions for wealth and power of the elite.
What do with such a system? How to take action when the pieces are coming in to place and decisiveness to lead is required, even necessary? The exploited and oppressed and those who truly represent their cause, willing to surrender their own life’s ambitions and even their own lives for the furtherance of the cause of the masses (the workers, the farmers, the urban and rural poor, middle class) will be the ones whose voices should be heard, and whose chained might will be unleashed.
But everything’s a process, and other factual, objective considerations are far too numerous to ignore (and it would be foolhardy to do so), so the resolution of all current political conflicts and the impact they have on the economy and every other aspect and sector of Philippine society will still be a long way in coming.
As the ruling system weakens, the opposition will strengthen: those who seek to replace it with another system that will serve the interests of the exploited and pave the way for a Philippines that is truly sovereign and independent will exert greater effort to bring it to an end. What is crucial, however, is for the greatest and broadest unity be forged among those who want a different kind of nation to emerge. Principled unity, genuinely democratic and by no means controlled or manipulated by elements whose bottom-most loyalties lie primarily with their own elitist, economic classes.
In the meantime, the results of a recent survey indicate that Filipinos are still considering the option of popular protests as a means to tilt the balance of power and shake up the already chaotic system. (I’ve translated the data because the original news release in English, I found, carried a lead that directly contradicted the rest of the report’s content:
Mayorya ng Pinoy, susuporta o sasali sa People Power kay GMA kung pumutok
Limang taon makalipas ang ika-tatlong People Power sa loob ng dalawang dekada, marami pa ring Pilipino kumikilala sa People Power bilang paraan ng pag-aalis ng isang pangulo. Ayon ito sa isang Survey ng Pulse Asia noong October 2005 na nilabas kamakailan.
Sa 1,200 na respondents, sinabi ng 42 percent na hindi sila pumabor sa huling tatlong nagdaan pag-aaklas laban sa gobyerno, subalit mas malaking 58 percent ang nagsabing susuporta sila sa mga pag-aaklas kung mapatunayan ang mga sala ng kasalukuyang presidenteng si Gloria Arroyo.
Samantala, sa huling tatlong People Power, ang naunang People Power o EDSA Revolution na nagpatalsik sa dating diktador na si Marcos ang nakakakuha ng pinaka-mataas na paborableng rating na 36 percent. Samantala, 10 percent lang sa mga respondents ang hindi pabor na January 2001 uprising laban naman kay pinatalsik na presidente Joseph Estrada; at eight percent ang sumuporta sa pag-aaklas na ginawa ng mga Estrada loyalists apat na buwan matapos mapatalsik si Estrada.
Ginawa ang survey mula Oktubre 15-27, 2005, batay sa mga face-to-face na interview. May margin of error ito ng plus o minus na six percentage points at a 95-percent confidence level.
Hindi pa rin humuhupa ang mga akusasyon ng pandaraya at pagnanakaw laban kay Arroyo. May 22 percent pa sa mga sinarbey ang nagsabing lalahok pa nga sila sa mga demonstrasyong para mapatalsik si Arroyo. Ang pinakamalaking bilang ng nagsabing susuporta silangunit hindi sasali sa mga demonstrasyon ay mula sa Mindanao (58 percent) at Maynila (50 percent).
Pinakamarami naman ang gustong sumuporta at sumali sa mga kilos protesta ay nasa kabuuan ng Luzon (34 percent). Sa Visayas naman pinakamataas ang bilang ng sinarbey na nagsabing hindi sila susuporta o sasali sa mga rali.
Kabilang sa mga dahilan ng mga hindi gusting sumali sa mga rali ang nagsabing marami silang inaasikaso, kasama na ang kabuhayan ng pamilya (25-48 percent). Isa naman sa bawat apat na kinausap ang nagsabing wala silang inaasahan na pagbabago sa pagpapalit ng pamunuan. May 18 percent ding nagsabi na ito ay dahil sa kakulangan ng mahuhusay at may kredibilidad na pinuno.
Eight percent naman ang nagsabi mayroon silang “people power fatigue.”
Sa mga kinausap, mababa ang bilang ng mga sumali sa kahit isa sa tatlong people power revolt. Sa buong bansa, tinatayang nine percent lang o apat na milyong Pilipino ang nagsabing sumali na sila sa kahit isang people power rally. Sa mga residente ng Metro Maynila na edad 18 na noong 1986, may 1.4 na milyon o 20 percent ang nagsabing lumahok sila sa 1986 EDSA uprising.Mas maliit naman na 13 percent o 200,000 ang sumama sa pag-aaklas ng Enero 2001. Walang kahit isa naman ang sumama sa May 2001 rallies.
————————————–
Being away from my country somehow has made me feel so much closer to it. This distance is allowing me the gift of being more objective.
The Filipino domestic helpers I meet and talk with everyday are living proof of why radical changes are needed in the economic and political set-up. The stories of their lives and their experiences give testimony to the truth that the Philippines is so far from being the ideal home to its people because of how those in power manipulate the government, the country’s resources and its laws. Social justice is nothing but a phrase here.
A few stories:
Tuwing Chinese New Year, wish ng ating mga kababayang namamasukan bilang domestic helper dito sa Hong Kong na maging galante ang kanilang mga amo. Bakit, kamo? Umuulan kasi ng mga lai see, o mga red envelops na may lamang pera at good wishes! Chinese New year din kasi ang pinaka-busy na panahon para sa mga taga-Hong Kong, at lalo na para sa mga domestic helper. Umabot lang kasi sa maximum HK$3000/buwan ang sweldo ng mga DH dito sa Hong Kong, at karaniwang HK$500 lang ang tinitira nila para sa mga pansariling pangangailangan dito.
Iba-iba ang karanasan ng ating mga kababayan sa lai see, pero pare-pareho ang pinaggagamitan nito: pandagdag sa sweldo, at panustos sa mga kailangan ng mahal na pamilyang naghigintay sa Pilipinas.
Para kay Delia Lagadi, president at trainor ng Philippine Citizens Crime Watch Association sa Hong Kong, laging mataba ang nakukuha nyang lai see envelop. May 16 na taon na sya sa kanyang amo na nagtatrabaho sa Chinese University, at umaabot sa HK$2000 ang kanyang kabuuang natatanggap na lai see money. Sa improvements ngkanyang bahay napupunta ang lahat ng ito.
Hindi naman kasing swerte si Linda Chi, pitong taon nang DH sa Quarry Bay. Dati rati, katumbas ng isang buwang sweldo ang kanyang natatanggap na lai see money, pero mula nang mamamatay ang kanyang amo ay hindi na ganito ang nakukuha nya. Bagamat namamasukan pa rin sya sa asawa ng kanyang yumaong amo, hindi raw ito kasing-mapagbigay.Nilalagay naman nya ang anumang naiipon nyang lai see money sa kanyang handicraft business sa Pilipinas na fossilized flowers.
Isang libong HK dollars naman ang nakukuha ni Noemi Omanito tuwing New Year. May 17 na taon na sya sa kanyang amo sa Prince Edward. Magaling si Noemi manghilot, manicure at pedicure at maggupit ng buhok, kaya sya rin ang ginawang hairdresser ng kanilang amo. “Maayos ang serbisyo ko sa kanila, kaya maganda rin ang bigay nila sa akin,” aniya. Ibinibili nya ng alahas ang kanyang lai see at hinahat-hati sa kayang apat na apo. Tubong Sta. Cruz, Ilocos Sur si Noemi.
Lumalabas na pinakaswerte pagdating sa lai see si Narcisa Reyes, o Ate Lali. Isa syang volunteer sa Bayanihan Kennedy Town Centre, at trainor sa dressmaking, tailoring, paggawa ng sabon at bridal accessories. Uammbot sa tumataginting na HK$4000 ang kanyang natatanggap na lai see kada new year. Naka-pitong kontrata na sya sa amo nya sa Parkview. Binabangko nya ang kanyang pera at ilalaan daw nya ito sa kanyang retirement na hinaharap, at para may maibilin mga regalo sa kanyang siyam na apo.
Sa huli, maliit man o malaki ang kanilang nakuhang lai see, malaking bagay pa rin ito para sa ating mga kababayan. Isang buong taong matapat at masipag na pagtatrabaho din ang kanilang binibigay sa kanilang mga pinapasukan, kaya’t talagang well-deserved nila ang mga Chinese New Year lai see lucky money.
Kahit masabak sa mga panganib at problema, patuloy pa rin ang paglikas abroad ng mga Pilipino upang makapagbigay ng mas magandang bukas sa kanilang mga pamilya.
Kung hindi sila lalaban, napipilitang magtiis ang mga OFW ng mga wage cut, kawalan ng mga benespisyo kabilang na mga day-off . Alam kasi nila na bawat dolyar na maipapadala ay malaking tulong sa kanilang pamilya sa Pilipinas kung saan patuloy na sumisirit ang cost of living dahil sa pagtaas na rin ng presyo ng langis at singil sa kuryente, transportasyon at iba pang batayang serbisyong panlipunan.
Sa loob lamang ng 2005, higit P10 kada litro ang nadagdag sa presyo ng gasolina nang magtaas ito ng 21 beses. Dahil sa EVAT, nadagdagan pa ito ng tatlong piso. Ang presyo ng 11kg cylinder na LPG na dating P482 ay umabot na sa mahigit P500.
Ayon naman sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), ang daily family living wage para sa isang pamilya ng anim ay pumapatak na sa P667.20. Napakalayo nito sa average minimum wage na ang average ay kakampot na P222.93. Sa National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na highest regional minimum wage rate na P325. Malayo pa rin ito sa family living wage rate na P681.
Batay sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP o Central Bank of the Philippines) ang kabuuang remittance ng mga OFW sa unang 10 buwan ng 2005 ay umabot sa matayog na US$8.8 bilyon. Mataas ito ng 27.1 porsyento o US$6.9 bilyon na naitala sa gayung ding panahon noong 2004. Galing ang malaking bahagdan ng remittance sa U.S., Saudi Arabia, Italy, Japan, Hong Kong, United Kingdom, United Arab Emirates at Singapore. Remittances ang bumubuo sa 13.5 porsyento ng gross domestic product (GDP) ng bansa.#