Ka Fort, Lider Manggagawa

Pauwi na kami kanina nang pumasok ang text: "Ikondena ang pagpaslang kay Ka Ding Fortuna, tagapangulo ng unyon ng Nestle-Philippines, tagapangulo ng PAMANTIK-KMU, at tagapangulo ng Anakpawis Southern Tagalog. Binaril sya dalawang beses sa dibdib. Ginawa ang pamamaril sa Sagara, Brgy. Paciano, Canlubang, Laguna. Pinatay sa alas-6 ngayong gabi."

Itatak ang araw na ito sa kasaysayan ng pakikibaka ng uring manggagawang Pilipino at sambayanan: Setyembre 22, 2005, Huwebes. Dumanak ang dugo ng isang dakilang lider manggagawa at lider-mamamayan. Nadagdagan na naman ang mahabang listahan ng mga martir ng Kilusang Mapagpalaya.

Nadagdagan na naman ang mahabang listahan ng utang na dugo ng naghaharing sistema at ng berdugong gobyernong kumakatawan dito.

Matagal ko nang kilala si Ka Fort. Anim na taon ako sa KMU, 3 taon sa Bayan Muna, at 2 taon na sa Anakpawis. Sa buong panahon na yan, nakasalamuha, nakatrabaho, at nakilala ko siya bilang isang mahusay na Kasama, mabait at magiliw, masipag at matalas. Lider manggagawa talaga, at lider ng mamamayan.

Kahit minsan binibiro namin sya sa laki ng kanyang mga salamin na kapag kanyang suot ay nagmimistula syang kwago.

Matibay na nanindigan si Ka Fort laban sa mga di-makataong patakaran ng management ng transnasyunal na kumpanya ng Nestle at sa pakikipagkutsabahan nito sa Department of Labor and Employment sa ilalim ni Patricia Sto. Tomas. Itinaas nya kasama ng kanya kapwa unyunista ang mga isyung pang-unyon sa antas pambansa sa pamamagitan ng pagbira sa cheap and exploited labor policy ng gobyerno– ang pagpapatupad ng no strike policy sa mga engklabo bilang pang-akit sa mga dyuhang investor; ang assumption of jurisdiction orders, ang burukrata kapitalismo ng mga bulok na opisyales tulad ni Sto. Tomas.

Mabait at masayahin si Ka Fort. Nuong panahong inaasikaso namin ang photo-exhibit kaugnay sa welga sa Nestle (kung saan napakaraming litrato ng mga manggagawang binobomba ng tubig at pinabato ng tear gas ng mga security guards at bayarang maton ng Nestle), kitang-kita ang kanyang sense of humor. Nagpapatawa sya habang tinuturo isa-isa ang mga litrato ("O ayan, sa puntong yan na malakas yung water cannon naglabas na kami ng shampoo at sabon…") ("Nakakawili ding mapalo sa ulo. Pag nakailan ka na, tumitigas ang bungo mo at di mo na mararamdaman…") ,

Masipag syang magtext at magbigay ng update tungkol sa mga developments sa welga sa Nestle at sa mga aksyon ng unyon upang isulong ang kaso nila sa DOLE. Mahusay syang magsalita — matapang at buhay na buhay syang naglarawan ng pakikibaka sa piketlayn ng Nestle at sa kalagayan ng iba pang mga unyong may mga isinusulong ding laban sa Timog Katagalugan.

Pinagtulungan namin ang pagfile sa Affidavit of Opposition sa appointment ni Sto. Tomas sa DOLE. (Kasuklam-suklam na ahensya na pinamumunuan ng kasuklam-suklam na opisyales!) Pinag-tulungan namin ang privileged speech ni Ka Bel kaugnay sa kalagayan ng welga sa Nestle at ang pagtraydor ni Sto. Tomas sa mga manggagawa sa mga negosasyon. Matagumpay ang forum na isinagawa sa Mitra Building sa konggreso tungkol sa assumption of jurisdiction (umalingawngaw ang sigaw na "Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!" sa loob ng gusali, at walang nagawa ang mga security guards o kahit ang mga dumadaang kongresman).

Taas kamao kaming lahat sa staff ni Ka Bel sa husay ng mga manggagawa at lider mula sa Timog Katagalugan. Huwaran sila para sa aming mga batang aktibista.

Huling pag-uusap namin ni Ka Fort ay tungkol sa kanyang pag-aasikaso ang scholarship ng kanyang anak.

And now Ka Fort is dead. Felled by bullets of an assasin most likely hired by the Nestle management or the Southern Tagalog command of the Armed Forces of the Philippines (AFP).

Two fatal shots to the chest.

As of this writing we still don’t know the full details surrounding  his brutal murder.

As of this writing we are all still weeping in anguish and anger.

How to assuage this grief? Nevermind staunching the flow of tears because they are tears of anger and outrage; but the grief is something I wish I could stop feeling.

I hate feeling helpless. I hate being powerless at the face of such injustice and brutality. All I can do is to write and pour out this overwhelming sadness and anger, while out there, the Nestle management and executives are probably sitting down to or finishing an expensive dinner and reacting with little care or concern to reports that the president of the union which has been such a thorn on their side has been killed.

Or maybe they’re celebrating?

Right now I am trying to take comfort in the lines of a poem by Ka Amado V. Hernandez "Isang araw ang luha mo’y maiibsan, matutuyo, at ang iyong tanikala’y lalagutin ng punglo…"

May araw rin silang lahat. Silang nagsasamantala, silang pumapatay sa ating mga ama’t ina, mga kapatid at sinisinta, mga kaibigan at Kasama. Ang mga naglalamay sa dilim ng kasalukuyang kalagayang panlipunan ay sila ring unang makakakita ng liwanag.

Pula ang kulay ng hustisya. Singpula ng dugo ng mga Kasama na pinaslang ng mga kaaway.

Ka Fort, ang aming pinakamataaas na pagpupugay: Mahal na Kasama, Lider Proletaryo.#

2 Responses to “Ka Fort, Lider Manggagawa”

  1. Raymund Says:

    Hi,

    Ipagpapaalam ko lang na paghahalawan namin itong blog mo sa aming news report sa NNB hinggil kay Ka Fort.

    Salamat.

  2. UFE-DFA-KMU Says:

    DAKILA KA “KA FORT”

Leave a Reply