Mata para sa mata
Wednesday, July 27th, 2005Kailan kaya magagawang banggitin ang katotohanan ng rebolusyon sa loob ng walang-kwentang konggresong ito? Kailan kaya mapag-uusapan ang tunay na solusyon sa mga problema ng lipunan at ng mamamayan?
Kahit mabanggit man lamang!
Nakakainis at parang lagi na lang nangingiming sabihin na may gerang sibil, isang pambansa-demokratikong rebolusyon na nangyayari sa kanayunan; na may tunggalian ng uri, na ang dahas ng estado ay dapat ding tapatan ng dahas ng mamamayan (rebolusyunaryong dahas na parang apoy na laganap sa kanayunan at may mga punla na maging sa kalunsuran; parang pinakawalang liwanag sa gitna ng tila walang-katapusang kadiliman!).
Ang kapal ng mukha ng mga miyembro ng nanghaharing uri! Kung magsalita sila, akala mo kung sinong mga tagapag-tanggol ng karapatang pantao ng mamamayan, e samantalang sila naman ang primaryang pumapatay sa taumbayan! Pinapatay, pinapaslang nila ang mga manggagawa, magsasaka, maralitang lungsod sa iba’t-ibang paraan; ginagamitan ng pisikal na dahas, sinisikil ang kanilang mga karapatan, ginigipit ang kanilang kabuhayan.
Tapos sasabihin nila kailangang baguhin ang sistema sa pamamagitan lamang ng mapayapang paraan! Sa pamamagitan daw ng pag-uusap, talakayan, mga ligal na proseso at kaparaanan!
Leche. Sabihin nga nila yan sa mga magsasakang pinapalayas mula sa kanilang mga tirahan at kakarampot na hati ng lupa. sabihin nila yan sa mga pamilya ng mga pesanteng dinampot, binaril at ibinaon sa kung saan libingan ng mga sundalo at tauhan ng mga panginoong may lupa.
Sabihin nila yan sa mga pamilya ng mga manggawang binatuta sa welga, hinataw sa ulo, binomba ng tubig, binaril at pinatay.
Wala akong makitang ibang solusyon para sa bayan na ito kundi ang rebolusyon. Ang pagpapanibagong hubog ng pag-iisip at pagsusuri, ng pag-unawa sa lipunan at sa pagtangan ng mga tungkulin na makiisa sa mga inaapi at isulong ang kanilang interes SA LAHAT NG POSIBLENG PARAAN.
Naaalala ko ang isang Kasama noong nasa kolehiyo pa ako. Sabi nya sa akin, nakaririmarim daw ang naghaharing sistema, at animo’y isa itong halimaw na dapat tarakan ng patalim sa dibdib at pugutan ng ulo.
Tutoo, tutoo, tutoo.
Noon nadudurog pa ang puso ko sa ideyang kailangang dumanak ng dugo bago magkaroon ng pagbabago. pero naisip ko din, sa ngayon, tanging ang dugo ng masang Pilipino ang kumakalat sa kanayunan at sa kalunsuran - unti-unting pinapatay habang pinagkakaitan sila ng mga batayang serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, kalusugan, pabahay; habang sila’y sinasakal ng sobrang taas na presyo ng mga bilihin at mga batayang pangangailangan.
Kailangang ang dugo ng nagsasamantala ang dumanak. Silang mga nagpapasasa sa paghihirap ng nakararami- silang kung mag salita ay akala mo kung ano na ang ginawa para sa bayan samantalang sila din ang mga magnanakaw, malalaking kriminal, berdugo at kawatan!
Ang init ng ulo ko ngayon. Bwiset.